Home

Monday, May 23, 2011

CUSTOMER ISN'T ALWAYS "RIGHT" (PART 3): SALA NILA ATE

Maraming mga bading ang nagre-rent sa computer shop namin.  Minsan, in group sila mag-computer para mag-dota (yes, dotador din sila!)  or magpakitaan ng mga boys nila sa FB.  May time pa nga na sila ang nagbabayad ng rent nung mga guys na kasama nila. Magaan loob ko sa mga bading kaya naging ka-close ko sila agad.  Sa sobrang comfortable na nga lang nila, minsan pinapakia-alaman na nila pati server.  Either andun sila nakaharang para tignan lahat ginagawa ko...minsan makiki-check ng facebook.
Naging mas comfortable sila nitong summer.  Dahil sa naka-aircon kame sa tanghaling tapat, papasok sila hindi para mag-computer kundi para tumambay at magpalamig. Hindi lang 'yon, ginawa nilang sala ang shop dahil dun sila nag-tsitsismisan at naghahalakhakan na mas maingay pa sa mga gumagamit ng computer.  It is true na malaki ang kinikita namin sa kanila because of their everyday rent pero it doesn't give them the right na gawing tambayan ang shop anytime they want to. Ang malas nila, naabutan nilang nagco-computer si Mr. Dumbo at sinabihan silang "dun nga kayo sa labas mag-ingay!".  Bigla sila nanahimik at lumabas.  Minsan pala, may pakinabang ang pagka-siga ni Mr. Dumbo, hehe!


No comments:

Post a Comment