I don't intend to mock the customers dahil sila ang fuel ng aming business. Pero as a customer, meron din dapat tayong sinusundan na guidelines at etiquette sa pagpunta sa kahit saang internet shop. Naging customer din ako pero alam ko kung ano ang mga responsibilities ko. I respect the properties of the owner dahil nag-invest sila dyan ng malaki at hindi ko rin gugustuhin na maging kahiya-hiya sa paningin ng ibang customers. As an owner, I learned how to say "no" kapag feeling ko hindi na rin appropriate ang ginagawa nila at lalo na kung makaka-apekto 'yun sa iba. Minsan kasi, dahil sa ayaw nating mawala 'yung isang client hinahayaan natin sila. Not knowing na mas marami naman ang mawawala dahil sa inis at distraction sa kanila. At the same time, hindi din dapat natin i-take personally 'yung galit or inis sa customers dahil in the end, ikaw ang talo. That's life.
CUSTOMER ISN'T ALWAYS RIGHT...BUT THERE'S A WAY TO SAY IT RIGHT.
CUSTOMER ISN'T ALWAYS RIGHT...BUT THERE'S A WAY TO SAY IT RIGHT.
No comments:
Post a Comment