Home

Tuesday, May 24, 2011

CUSTOMER ISN'T ALWAYS "RIGHT" (PART 2): MR. DUMBO

How's your meeting with Lola the Skyper?  For me, not so great.  But still, we try to accommodate her as much as we can and customer pa rin siya no matter what.  Ang feature customer naman ngayun ay si Mr. Dumbo.  Why we call him such?  Malaki at medyo heavy siyang lalaki na may kulot at mahabang buhok.  No wonder, hindi siya pwede sa non-airconditioned internet shop.  Isa siya sa mga unang customer namin mula ng makabit ang aming aircon.  Hindi ganun kaganda ang mga first meetings namin sa kanya.

Dahil sa napakababang regular rate sa lahat ng computer shops sa lugar namin (P15/hour at meron pang mga promos), we really need to do something para at least ma-lessen 'yung mga expenses namin most especially sa electricity.  So we decided na kung isa or dalawa lang naman ang tao at hindi ganun kainit ang panahon, pinapatay muna namin ang aircon.  Suddenly, here comes Mr Dumbo at biglang magco-comment na "wala bang aircon?" sa mayabang na way na parang pag-aari niya ang shop (note: nalaman namin later on na isa pala sya sa mga sisiga-siga sa lugar na 'yun).  Syempre nag-reply ako with a smile na "wala po kasi gano tao" at ang isasagot niya "eh ayan, hindi ba sila tao?"  Parang gusto mo na lang sagutin na "ang sabi ko, walang gano tao...hindi WALANG tao."  Kung ang habol lang naman pala ay magpalamig, sana ay bumalik na lang sya tuwing makikita nyang bukas ang aircon.


Pero as a customer, binigay ko ang request nya.  So everytime na dumadating siya, binubuksan namin ang aircon even if it's not necessary and pinapa-pwesto ko siya sa pinakamalamig na part.  Dahil mainit sa labas, hinuhubad niya 'yung damit nya at tumatapat sa aircon pagpasok ng shop, as if walang ibang makaka-amoy nun.  And he act as if utusan niya ang kausap.  Akala niya siguro staff lang kami dun.  So everytime may queries sya, I answer it with confidence to show him I know my stuff and talk to him professionally.  I think he was satisfied with our service naman dahil naging regular customer namin sya, he even brings his girlfriend and son.  Good!  At nakita namin ang soft side ni Mr Dumbo dahil napaka-sweet pala niya sa kanyang family.


Imagine, binili nya ng ice cream ang anak at girlfriend at sa loob sila ng shop kumain.  Are you for real?  Kahit naman po siguro walang sign not to eat that kind of food, eh you have to think na it's possible to drip on computer parts at kahit pa sa floor na pagmumulan ng langgam.  And that was our last straw to Mr. Dumbo.  Kahit medyo kinakabahan, sinabihan ko sila to finish it outside.  I think naintindihan naman nila.


Right now, Mr. Dumbo is still aircon addictus pero sasabihin nyang mamya na sya magre-rent kapag bukas na aircon and naka-smile na kapag magsasabi.  Sometimes it's worth to show na hindi ka nasisindak sa kanila at we're always willing to help him lalo na sa facebook niya. : )

No comments:

Post a Comment