I worked for 5 years sa isang well-known international credit card company. That makes me very conscious when it comes to customer service and making the client feel respected (naks!) especially mga elite 'yung mga hina-handle naming customers. Now that I have a computer shop business, mas doble pa palang customer service at PATIENCE ang kailangan ko. At first, sobrang bait ko dahil alam ko kung gaano ka-importante ang good relationship with the customers. Pero later on, I noticed na umaabuso sila. And I feel like there's a need to put a thin line between being nice and minding my business. Ipapakilala ko sa inyo isa-isa ang mga customers namin na masasabi kong tumatatak talaga. Some may think they're a big joke, but they're for real. Meet first Lola The Skyper : )
Si Lola ay napaka-lakas ng boses kapag nakikipag-usap sa anak na nasa abroad. Tolerable yun kasi kahit naiingayan 'yung ibang customers, naiintindihan nila. Pero marami pang foul si Lola.
Pagdating pa lang, may dala na syang mani (take note: ung may shell), biscuit at juice..etc. Parang sa picnic lang ang punta. Hindi naman namin pinagbabawal ang pagkain sa loob lalo na kung matagal na oras naglalaro. Pero kung magpupunta tayo sa computer shop at isa o dalawang oras lang naman, hindi na siguro dapat magdala ng bulto ng pagkain. At higit sa lahat, iniiwan lang ni Lola ang basura sa station at 'yun ang BIG NO NO! Kaya nung huli, inunahan ko na si Lola ng bigay ng plastic at sinabi kong "nasa labas po ang basurahan". Yun lang ang naiisip kong way para masabi ko in good way na what she's paying is for computer rental and not to clean her trash.
Merong karay-karay si Lola na dalawang maliliit na apo na mga age 3 & 5 siguro na ang hobby eh maglabas-pasok at gawing playground ang computer shop. Hindi yun pinapansin si Lola dahil busy siya sa pakikipag-skype. So ang nagyayari, kame pa ang nagsasaway at minsan napag-utusan pa kami tawagin ang apo dahil lumabas! Hindi ko alam na day care center na rin pala kame. Hindi naman talaga dapat nagdadala ng maliliit na bata sa computer shop lalo na't nakaka-distract sila ng ibang nagre-rent. Minsan kahit anong saway namin, hindi sumusunod kaya nung huli pinapabayaan na rin namin at si Lola na rin ang sumusuko sa ingay ng apo niya.
For the record, 1 year na nag-sskype si Lola at hindi pa naman katandaan. Siguro mga late 40's or early 50's. Pero hindi niya pa rin matutunan ang skype at spoon-feeding talaga. As in ako ang nag-eenter ng user ID and password, tumatawag, nagba-browse ng facebook at minsan kailangan ko pa kausapin ang anak para makita 'yung gusto niya ipakita kay Lola. We're very much willing to assist naman pero gusto niya na halos nakatutok kami sa kanya which is hindi naman pwede. Wala naman kaming tutorial session/ fee and minsan isa lang ang bantay, so we need to attend to other's customers needs and we can't leave the server dahil kailangang i-set ang timer ng bagong dating at syempre baka mawala ang pera. Sana lang kung hindi talaga matuto si Lola eh magdala siya ng kasama na marunong sa computer kahit basic lang, di ba.